Nov 25, 2008

mga tanong sa loob ng elevator na ako lang ang sakay.

kung nasa baba tayo ng building, sa fifteen minutes nating break,
para mag yosi o magkwentuhan, habang nagkakape tayo
gamit ang giveaway mugs natin,
puedeng kayang ibang bagay naman pag usapan natin
maliban sa trabaho,
maliban sa kung magkano
at kung meron mang christmas bonus o wala,
o di kaya magtanong ka na lang kung may bagyo
dahil umuulan at maginaw ngayong gabi
o kung uulan ngayong pasko
kaso sa tingin ko, okay lang naman
na pag usapan natin yung nabitin na turnaround time
dahil nakangiti ka ngayong gabi at alam ko mayamaya lang tatatawa ka pa
na hindi mo iisipin kung may makarinig na iba
na wala kang pakialam
na wala ibang tao kundi ako
dahil masaya ka sa mga ilang sandaling iyon
na pinaguusapan natin ang ating trabaho at ang putik na sahod natin
at hindi itong ulan na to sa labas ng building natin
na malamig at patuloy lang sa pagpatak;
na sa ngayon ito lang pinagmamasdan kong mag isa dito sa ground floor
dito sa dating smoking area,
na nag-iisip at nagtatanong sa sarili.

No comments: